Ang teknolohiya ay kapangyarihan, subalit paano nga ba naging
kapangyarihan ang teknolohiya?
Tunay na malaki ang benepisyo ng teknolohiya sa bawat
mamamayan. Hindi maikakailang napakalawak ng nasasakupan nito. Kaya naman
maging sa Pangkampus na Pamamahayag ay malaki pa rin ang naitutulong nito.
Kailangan natin ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad pa ang ating mga
gawain. Nakakatulong ito upang makukuha tayo ng mga ipormasyon na ating
kinakailangan. Ginagamit ang teknolohiya sa pagsasaliksik sa iba’t ibang isyu
na nagaganap sa ating bansa. Ito ang magsisilbing daan natin upang makakuha ng
iba’t ibang ideya at maihatid sa atin ang bawat balita na ating kailangang
malaman.
Isa pa, mas mapapabilis ang gawain ng
mga mamamahayag dahil sa paggamit nito. Sa pamamagitan ng teknolohiya, mas
makakagawa ng mabilis at mapagagaan pa nito ang iyong ginagawa.
Mas magkakaroon din ng mas maganda at
mas maayos na awtput. Sinasabi na walang imposible sa teknolohiya. Lahat ay
nagagawan nito ng paraan.
Dahil sa makabagong teknolohiya, mas
maayos na maipapahatid ng media ang mga impormasyon na dapat nilang ihatid sa
madla. Kung walang teknolohiya, walang hindi maihahatid ang mga balita at
walang dyaryo ng mailalathala. Wala tayong impormasyon na malalaman ukol sa
nagyayari sa ating paligid.
Tunay na malaki ang naidudulot ng
makabagong teknolohiya sa pangkampus na pamamahayag. Kaya naman dapat nating
tangkilikin ang mga ito nang sa gayon ay lalo pa nating mapaunlad ang
pamamahayag sa ating bansa.
Ikaw, alam mo ba kung paano naging kapangyarihan ang
teknolohiya?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento