Huwebes, Oktubre 18, 2012

Gahum ng Teknolohiya




Ang teknolohiya ay kapangyarihan, subalit paano nga ba naging kapangyarihan ang teknolohiya?

Tunay na malaki ang benepisyo ng teknolohiya sa bawat mamamayan. Hindi maikakailang napakalawak ng nasasakupan nito. Kaya naman maging sa Pangkampus na Pamamahayag ay malaki pa rin ang naitutulong nito. Kailangan natin ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad pa ang ating mga gawain. Nakakatulong ito upang makukuha tayo ng mga ipormasyon na ating kinakailangan. Ginagamit ang teknolohiya sa pagsasaliksik sa iba’t ibang isyu na nagaganap sa ating bansa. Ito ang magsisilbing daan natin upang makakuha ng iba’t ibang ideya at maihatid sa atin ang bawat balita na ating kailangang malaman.

       Isa pa, mas mapapabilis ang gawain ng mga mamamahayag dahil sa paggamit nito. Sa pamamagitan ng teknolohiya, mas makakagawa ng mabilis at mapagagaan pa nito ang iyong ginagawa.

        Mas magkakaroon din ng mas maganda at mas maayos na awtput. Sinasabi na walang imposible sa teknolohiya. Lahat ay nagagawan nito ng paraan.

       Dahil sa makabagong teknolohiya, mas maayos na maipapahatid ng media ang mga impormasyon na dapat nilang ihatid sa madla. Kung walang teknolohiya, walang hindi maihahatid ang mga balita at walang dyaryo ng mailalathala. Wala tayong impormasyon na malalaman ukol sa nagyayari sa ating paligid.

         Tunay na malaki ang naidudulot ng makabagong teknolohiya sa pangkampus na pamamahayag. Kaya naman dapat nating tangkilikin ang mga ito nang sa gayon ay lalo pa nating mapaunlad ang pamamahayag sa ating bansa.

          Ikaw, alam mo ba kung paano naging kapangyarihan ang teknolohiya?





http://www.youtube.com/watch?v=X5ySocUyI7I


Ang Teknolohiya at Responsableng Pamamahayag


Napakabilis talaga ng pagtakbo ng panahon, sing bilis ng agos ng tubig sa ilog na hinihipan ng hangin patungo sa napakalawak na karagatan.
Ang buhay ng tao ay parang isang malawak na karagatan. Hindi ko alam ang aking paroroonan. Hindi ko alam kung ano ang makukuha ko sa hinaharap.
Kaalinsabay ng mabilis na paglipas ng mga araw ay ang malawakang pag-unlad ng teknolohiya. Mga teknolohiya na ang pangunahing nais ay makatulong sa mga tao upang mapadali ang mga gawain sa materyal na mundong ito at buksan ang mas maraming daan para sa pangkalahatang kabutihan. Gamit rin ang mga teknolohiya upang mapaunlad ang ating mga kabataan sa iba’t ibang larangan.
Ilan lamang ang cellphone, laptops, kompyuter, PSP at ipod sa mga modernong kagamitan na sadyang kinagigiliwan ng lahat.
Subalit paano ko nga ba  magagamit ng may buong kahusayan at kabutihan ang mga “gadgets” ng aking panahon? Bilang isang kabataan at mamamahayag nasa aking mga kamay ang kasagutan para sa responsableng pagbabahagi ng mga makabagong kaalaman tungkol sa mga makabagong teknolohiya,
Sa kasalukuyang milenyo ang karunungan sa pagsulat at pagbasa ay hindi na sapat upang masabi na ikaw ay “literate”, ang kaalaman sa malawak na konsepto ng internet at bagong teknolohiya, ang kakayahan  sa epektibong paggamit, at kritikal na pagsusuri at paggawa ng impormasyon ay kinakailangan upang masabi na ikaw ay “digitally literate”.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng mga bagong sibol na teknolohiya sa larangan ng edukasyon, kalusugan, transportasyon, komunikasyon, at libangan.
Maraming postibong epekto ang naidudulot ng mga “gadgets” na ito tulad ng pag-unlad ng antas ng libangan, mas mapadadali ang pagresponde sa mga kaganapan, mas mapabibilis at mapararami ang gawaing maaaring magawa, magkakaroon ng “global networking” o pandaigdigang ugnayan, mas mapalalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya, at mas makamumura sa ibang paraan.
Sa kabila ng mga positibong dulot hindi maiiwasan na magkaroon ng negatibong epekto bunga ng mapang-abusong paggamit nating mga tao. Ilan lamang sa mga ito ay ang pagiging tamad ng mga tao, maaaring gamitin sa karahasan tulad ng “cyberbullying”, negatibong epekto sa kalikasan, “technicism” o pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya, ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon na kilala sa tinatawag na “information overload” o “infollution”, at ang makabagon teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring maka-sira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga bata.

Nasa kamay ko at nating lahat ang susi upang maibahagi ang mga kaalaman sa tungkol  sa mga “digital” na kagamitan. Sumabay tayo sa mabilis na pagtakbo ng panahon at sabayan ang pagbabago upang maitaguyod ang responsible at mahusay na paggamit ng mga makabagong teknolohiya
.